Cash-for-Work program, dapat ipatupad sa mga magsasakang apektado ng El Niño – Sen. Poe
March 22, 2019

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng El Niño na magpatupad ng Cash-for-Work program.

Ito ay upang magsilbing pansamantalang ginhawa lalo na sa mga magsasaka na nanganganib ang kabuhayan dahil sa nararanasang dry spell.

Sa datos ng Department of Agriculture, tinatayang nasa P1.33 billion pesos na ang halaga ng pinsalang dulot sa agrikultura ng El Niño.

Bagamat ilang lugar na ang nagdeklara ng state of calamity, giniit ng senador na hindi sapat ang calamity fund ng bawat LGU para sa lahat ng mga magsasakang nawalan ng ani.

Bukod dito, dapat rin makipag-ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga ahensya sa bansa para matiyak na umaabot ang irigasyon sa mga bukirin sa kanilang lugar.  | ulat ni Nimfa Asuncion