Digital Economy, itinaguyod sa kauna-unahang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” lecture series sa Indonesia
March 22, 2019

Sinabi ni Commercial Attaché Jeremiah C. Reyes na aktibo ang Department of Trade Industry (DTI) sa paghikayat sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magkaroon ng entrepreneurial mindset.

Ayon kay Reyes, ang mindset ay magkakaloob ng dagdag oportunidad sa trabaho at paglago ng ekonomiya lalo na sa kasalukuyang panahon ng digitilisasyon at tuloy-tuloy na teknolohiya, na makapagbabago sa ating araw-araw na pamumuhay.

Ang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” (TNK) series Entrepreneurship in Digital World ay ginanap noong Marso 16, 2019 sa embahada ng Pilipinas sa Jakarta.

Pitumpung (70) OFW ang dumalo sa TNK series lecture, na bahagi ng isang taong event bilang obserbasyon sa ika-70 taong bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia.

Ang resource speakers ay sina April Cabello ng Transdigital at Marbie Rances Samala ng Blibli.com.

Ang Transdigital ay bahagi ng CT Corporation na pinakamalaking consumer conglomerate sa Indonesia, samantalang ang Blibli.com ay isa sa pinakamalaking e-commerce platforms sa naturang bansa. | ulat ni Josette Olivera