Mahigit 100 sakay ng isang eroplanong naaksidente sa Kalibo Airport, nakaligtas
March 14, 2019

Nasa Kalibo Interanational Airport ang mga imbestigador ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos na muntik nang sumadsad sa dulo ng runway ang isang eroplano kagabi.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, pasado alas-sais kagabi ng mangyari ang insidente sa eroplanong FarEastern Air flight FE-321 mula sa Taiwan.

Ligtas naman at walang nasaktan sa 122 pasahero.

Mag-aalas-otso na kagabi ng mahatak ang eroplano mula sa runway patungo sa terminal at muling ibinalik ang operasyon ng Kalibo Airport.

Ayon kay Apolonio, aalamin ng kanilang ahensya kung may nilabag na safety procedure ang piloto ng nasabing eroplano.  | ulat ni Ariel Fernandez