Mga consumer na nakakaranas ng water crisis, pwedeng bweltahan ang Manila Water — DOJ
March 15, 2019

Maaring bweltahan ng mga naperwisyong mamamayan at residente ang supplier nila ng tubig sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso dito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra maaring habulin ng mga apektadong residente ang water concessionaire na Manila Water dahil sa water interruptions na nararanasan sa Eastern part ng Metro Manila at Rizal Province.

Paliwanag ni Guevara, kung may pagkukulang sa parte ng Manila Water at ang nararanasang water crisis ay hindi natural causes o yung force majeure o mga hindi inaasahang pangyayari, ay maaring magsumite ng damage suit ang mga apektadong consumer.

Civil case aniya ang maaring kasong isampa sa oras na maberipika ang pagkukulang ng nasabing water supplier.

Paglilinaw ni Guevarra na mahalaga na may karampatang ebidensya ng nasabing pagkukulang bago maipasa ang civil complaint kung saan ito naman ang gagamitin sa korte sa mga gagawing hearing.  | ulat ni Lorenz Tanjoco