Pagsasauli ng empty containers sa Aduana, gumaganda  
March 22, 2019

Inihayag ng Bureau of Customs na nagsisimula na ang pagbabawas ng mga natetenggang empty containers sa Aduana,

Aminado din ang Aduana Business Club Inc. (ABCI) na may kaunting pagganda ng sitwasyon sa pagpila at pagsauli ng empty containers sa International Container Terminal Services Inc., maging sa Asian Terminal Inc.

Sa panayam, sinabi ni Mary Zapata, Pangulo ng Aduana Business Club, sa nakuha nilang impormasyon may 10 barko na lamang ang nagdidiskarga.

Malaki ang ibinaba ng bilang ng dumarating na barko dahil may nagsuspinde na mga importer ng kanilang pagbiyahe ng produkto, para obserbahan ang nagaganap sa Aduana kaugnay ng usapin ng port congestion.
| ulat ni Lorenz Tanjoco