AFP at PNP, ipinaabot ang pagbati kay Sen. Pacquiao sa pagkapanalo  
January 21, 2019

Kapwa Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang kanilang pagbati kay Senador Manny Paquiao sa pagkapanalo sa laban nito kay Adrien Broner.

Ayon kay Madrigal, ang pagkapanalo ni Paquiao sa pagdepensa nito sa kanyang korona bilang World Boxing Association (WBA) Welterweight Champion kahapon sa Las Vegas, Nevada, ay isang malaking karangalan para sa AFP kung saan isang reservist colonel si Pacman.

Sa Panig naman ng PNP, tiniyak ni Albayalde na buong-buo ang kanilang suporta kay Paquiao na kaisa ng sambayanan sa hangaring labanan ang droga, krimen at katiwalian.

Kapwa pinuri ni Madrigal at Albayalde si Paquiao bilang magandang halimbawa ng disiplina at pagsisikap hindi lamang para sa mga Pilipino kundi para sa buong mundo.  | ulat ni Leo Sarne