Grand homecoming para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, all set na
February 06, 2019

All is set sa muling pagbabalik-bansa ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Mismong ang pamunuan ng Bb. Pilipinas ang nag-anunsyo na tuloy na tuloy na ang homecoming ng Pinay beauty queen sa darating na February 21 at 23.

Pero bago ito nakatakda munang dumalo si Catriona sa New York fashion week.

Gayunman, paglilinaw ni Catriona, hindi siya rarampa bilang modelo para ipakita ang signature lava walk niya, dadalo lamang ito bilang isa sa mga guests.

Sa ibang balita, malungkot na ibinalita ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres ang pagkaka-positibo sa sakit na skin cancer.

Matagal na umano siyang pinapayuhan ng fiance na magpacheck-up pero binalewala lamang niya ito.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Dayanara ang publiko partikular na ang mga ina gaya niya na huwag kalimutang alagaan din ang sarili.  | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon