Ilang mga taga-Executive Department, nauna nang nagpa-abot ng “good luck” para sa laban bukas ni Pacquiao
January 19, 2019

Nagpaabot na ng kanilang “good luck” ang ilang mga taga-Executive Department kay Senador Manny Pacquiao kaugnay ng nakatakda nitong laban bukas kay Adrian Broner.

Isa si Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino sa unang nagpahatid ng “good luck” sa fighting senator na muling tatapak sa lona bukas upang sagupain ang Amerikanong boksingerong si Broner.

Ayon kay Lambino hindi lang boxing champion si Pacquiao kundi kampeon din sa Senado dahil sa isinulong nitong panukalang mas mataas na pagbubuwis para sa sigarilyo na sadya aniyang makatutulong upang mapondohan ang Universal HealthCare.

Panawagan ni Lambino na ginawa kamakailan lamang sa briefing sa Palasyo, na suportahan ang laban ng fighting senator na aniya’y hindi lang champion sa boxing ring kundi champion din aniya sa puso at baga ng mga Pilipino.

Batay sa isinulong na bill ni Pacquiao, kaya nitong punan ang P40-billion peso gap para maipatupad ang Universal Health Care.  | ulat ni Alvin Baltazar