Pakikiramay, bumuhos sa pagpanaw ng komedyanteng si Chokoleit 
March 11, 2019

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia, ang tunay nitong pangalan.

Pumanaw si Chokoleit sa edad na 46 matapos atakihin sa puso.

Sa huli nitong performance sa lalawigan ng Abra, kapansin-pansin umano na hirap na sa paghinga ang komedyante pero itinuloy at tinapos pa rin niya ang pagtatanghal.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kalungkutan sa social media ang mga tagasuporta at kasamahan nito sa showbiz industry gaya nina Angel Locsin, Vice Ganda at Claudine Barretto.  | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon