Pelikula ni Robin Padilla na pro Bato, di kayang iboykot ng mga dilawan – Philip Salvador
January 29, 2019

Tiwala ang aktor na si Philip Salvador na hindi kayang boykotin ng mga dilawan ang pelikula ni Robin Padilla, na hango sa tunay na buhay ng kontrobersyal na si dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ito ang tugon ni Salvador sa banta ng mga dilawan, na iboboykot ang pelikula dahil maituturing ito na maagang pangangampanya ni Bato na kumakandidatong senador.

Sinabi pa ng aktor, na malabo na walang manood sa pelikula dahil may sariling mga tagahanga ang aktor sa loob at labas ng bansa.

Maliban dito, may sarili ding taga-suporta si Bato na naniniwala na naging mahusay ang nagampanan nito sa paglaban sa iligal na droga noong siya pa ang hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa katunayan, mistulang si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-eendorso sa biopic ni Bato.

Sa teaser ni Robin sa kanyang Facebook account, ipinasilip na gagampanan ni Efren Reyes Jr. ang papel ni Pangulong Duterte. | ulat ni Rey Ferrer