PNP, handang imbestigahan ang sex video ni Paredes
April 03, 2019

Handa ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan kung sino ang nag-upload ng sex video ng singer na si Jim Paredes.

Ayon sa PNP chief, kung may pinaghihinalaan si Paredes ay maaari naman siyang magreklamo sa PNP.

May kakayahan aniya ang PNP Anti-Cybercrime group na magsagawa ng imbestigasyon kung hihingi ng tulong si Paredes.

Kumalat sa social media nitong Lunes ang isang video, na nagpapakita kay Paredes na pinaglalaruan ang kanyang ari habang mistulang may ka-video chat sa kanyang telepono.

Unang sinabi ni Paredes na peke ang video, pero kinalaunan ay umamin ding totoong siya ang nasa video. | ulat ni Leo Sarne