Pinaghihinalaang suspek sa pagpatay sa dalagita sa Lapu Lapu City, Cebu, arestado sa Davao City
March 16, 2019

Arestado ang isa sa pinaghihinalaang suspek sa brutal na pagpatay sa isang 16 na taong gulang na dalagita sa Lapu Lapu City, Cebu.

Sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Davao, Mindanao Area Police Intel Office at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao, nahuli ang suspect na si Jonas Bueno sa Davao City.

Si Bueno ay may existing warrant of arrest sa iba pang kasong murder.

Ayon kay NBI XI Assistant Regional Director Jonathan Balite, alas-5 ng hapon inaresto si Bueno na nagtatrabaho bilang construction worker sa isang construction site sa Matina Pangi sa lungsod.

Apat na araw palang umano siyang nagtatrabaho doon gamit ang ibang pangalan. | ulat ni Sheila Lisondra – DXRP Radyo Pilipinas 1 Davao 675 Khz.