Arraignment ni Ressa sa cyber libel case, iniurong ng korte
April 16, 2019

Hindi natuloy ang nakatakdang pagbasa ng sakdal o arraigment laban sa Chief Executive Officer (CEO) ng Rappler Philippines na si Maria Ressa.

Kinuwestyon ng kampo ni Ressa ang desisyon ng Korte kaugnay ng usapin ng subscription ng kasong cyber libel o panahon para makapaghain ng ganitong kaso na 12-taon sa halip na isang taon lamang.

Binigyan naman ng hukuman si Ressa ng hanggang Abril 26 para makapaghain ng kanilang Motion for Reconsideration.

Nabigla ang CEO ng Rappler sa pahayag ng korte na ang subscription para makasuhan ng kasong cyber libel ay 12-taon at hindi isang-taon lamang.

Ito ang naging pahayag ni Ressa sa mga mamamahayag bago siya tuluyang pumasok sa Manila Regional Trial Court Branch 46 sa sala ni Judge Reinelda Estacio-Montessa ngayong umaga, para humarap sa isinampang cyber libel case laban sa kanya o paglabag sa R.A. 10175.

Kasama niya sa loob ng korte si Atty. Theodore Te na kanyang abogado at ang isa pang akusado na si Reynaldo Santos Jr., dating reseacher ng Rappler na kabilang din sa akusado.

Hindi naman pinayagan ang mga mamamahayag na makapasok sa loob ng court room at hindi rin pinayagan na makakuha ng anumang larawan o video footage.  Kaya’t sa labas naka-antabay ang mga mamamahayag.

Nag-ugat ang reklamo sa artikulo na inilabas noong 2012 na in-update noong 2014, tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng, kaugnay ng paggamit diumano ng namayapang Chief Justice Renato Corona ng sasakyan na nakapangalan kay Keng.  | ulat ni Lorenz Tanjoco