Consumers na bigong magbayad ng bills sa tubig at iba pang serbisyo sa panahon ng krisis, walang pananagutang ligal
April 15, 2019

Naniniwala ang isang mambabatas na walang pananagutang ligal ang mga consumer na nabigong magbayad sa kanilang bills kung walang suplay ng tubig, walang kuryente, mobile phone signal services, social media at online banking.

Ayon kay Aangat Tayo party-list Representative Neil Abayon, isinasaad sa provision ng Civil Code na lusot dito ang mga consumer sa tinatawag na Acts of God o fortuitous events.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit inihain niya ang House Bill No. 6351 na may kaugnayan sa mga brownout, online banking glitches, phone service interruption at water shortage.

Dagdag pa ng party-list solon, hindi pa umiiral ang kasalukuyang teknolohiya noong panahon na naging batas ang Civil Code of the Philippines. | ulat ni Rene Tichangco