Customs, patuloy ang pag-modernisa ng ahensya
April 16, 2019

Nakatakdang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) ang isang proyekto na naglalayong makamit ang maayos, epektibo at transparent na adwana.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Guerrero, layon nila na gawing world class ang Philippine Customs sa pamamagitan ng pagsasaayos ng proseso nito at pag-upgrade ng operasyon sa pamamagitan ng information communications technology.

Ang naturang project planning ay bahagi ng dinaluhang workshop ng Customs sa Manila Hotel kung saan mismong World Bank ang nanguna.

Ang nasabing modernization project ay aabot sa $150-million-dollars na inaasahan na siyang magpapadali sa operasyon ng BOC base sa international standards.

Matatandaan naman na nito lang unang linggo ng Abril nang pirmahan ni Guerrero ang Customs Special Order No. 44-2019, na nag-uutos ng reconstitution ng Project Management Unit (PMU) na siyang naatasang mamahala sa overall administration, planning, management at supervision ng BOC Modernization Project.  | ulat ni Lorenz Tanjoco