E-trike project ng DOE, suportado ng QC gov’t
April 15, 2019

Suportado ng Quezon City government ang E-trike project ng Department of Energy (DOE).

Ang paggamit ng E-trike o electronic tricycle ay naglalayong makatipid sa enerhiya at mabawasan ang polusyon sa hangin na idinudulot ng usok mula sa karaniwang tricycle.

Sa tala ng DOE, nasa limang milyon ang dami ng naturang sasakyan sa bansa, na nag-e-emit ng halos 10 million tons ng mapanganib na usok at kumukunsumo ng bilyong dolyar na halaga ng langis taun-taon.

Bilang suporta sa energy program, papasukin ng pamahalaang lungsod ang kasunduan, na magpapahintulot na bumili ng 300 units ng electronic tricycle.

Pangmatagalang solusyon ito ng Quezon City sa energy problem, at mabebenepisyohan maging ang kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.  | ulat ni Tess Ramirez