Indigent families, pasok rin sa free medical services ng PhilHealth
February 12, 2019

Nilinaw ng PhilHealth Region 1 na maari pa ring maging benepisyaryo ng libreng serbisyong medical ang mga mahihirap na Pilipino, kahit hindi sila kabilang sa National Housing and Targeting System o “Listahanan Program”.

Paliwanag ni PhilHealth Region 1 Spokesperson Joseph Manuel, sa pamamagitan ng pag-beripika ng isang medical social worker, ang isang indibidwal na kabilang sa pinaka-mahirap na sektor ng lipunan ay awtomatikong mai-enroll sa indigent program ng PhilHealth sa pamamagitan ng Point of Service.

Dito aniya ay walang babayaran ang sinumang pasyente na naka-enroll, dahil sagot na ng gobyerno ang kanilang pagpapa-ospital sa lahat ng mga pampubliko at pribadong  pagamutan na accredited ng PhilHealth.

Sinabi nito na mula sa sin taxes ng pamahalaan nanggagaling ang pondong nakalaan para sa programang Point of Service ng PhilHealth.  | ulat mula sa DZMQ Radyo Pilipinas Dagupan