Kawalan ng lupang masasaka, nananatiling ugat ng kaguluhan sa Mindanao
February 11, 2019

Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang kawalan ng sariling lupaing masasaka ang ugat ng gulo sa Mindanao.

Sa kaniyang pagbisita sa Buluan, Maguindanao, ngayong gabi, pinangunahan ng Pangulong Duterte ang pamimigay ng Certificates of Land Ownership Awards sa 780 mga benepisyaryo ng Land Reform Program ng gobyerno.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulong Duterte na inatasan na niya si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na ipamigay na ang lahat ng lupa ng gobyerno sa mahihirap na Pilipino habang siya pa ang nakaupo sa pwesto.

Sa ganitong paraan, aniya, agad na mapapaunlad at mapapakinabangan ang mga lupang ito para sa mga susunod na henerasyon.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi NPA ang makapagbibigay ng lupa sa mahihirap, kundi ang gobyerno lamang.   | ulat ni Racquel Bayan