Loan program para sa QC socialized housing beneficiaries, aprubado na
April 15, 2019

Aprubado na ng Sangguniang Panglunsod ang loan program para sa socialized housing beneficiaries ng Quezon City.

Layon nitong matulungan ang mga informal settler families (ISF) na walang kakayahang magprodyus ng kinakailangang dokumento para sa pabahay.

Sa pamamagitan ng in-house financing scheme, maaari nang makasama sa ‘Bistekville socialized housing projects’ ang mga ISF.

Nakapaloob dito ang pribilehiyong makatira sa naturang medium-rise building, sa abot kayang monthly amortization sa unang limang taon.  | ulat ni Tess Ramirez