Mga artistang sangkot sa iligal na droga, ‘di dapat bigyan ng project
April 01, 2019

Hindi dapat bigyan ng proyekto ang mga artistang sangkot sa iligal na droga.

Ito ang panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa mga producer sa telebisyon at pelikula.

Aniya, kung alam nilang nauugnay sa illegal drug activity ang isang artista, hindi na dapat nila kunin ang mga ito sa anumang proyekto dahil masamang ehemplo ang mga ito sa kabataan.

Kasabay nito, hinikayat ni Sotto ang mga TV executives na tulungan ang kanilang mga talent na ma-rehabilitate o tuluyang malayo sa droga.

Matatandaang una nang sinabi ni Sotto na pabor siya sa paglalabas ng isang validated celebrity narco-list.  | ulat ni Nimfa Asuncion