MMDA, nakipagtulungan sa isang kids show
March 18, 2019

Nagsanib pwersa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang Sesame Street para turuan ang mga kabataan ng tamang pagpapahalaga sa mga batas sa kalsada, kapaligiran at iba pa.

Sa ginawang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Road Safety Park sa Maynila, sinabi ng MMDA, na katulong ang mga popular na TV character ng Sesame Street na sina Elmo, Cookie Monster at Big Bird, ay layon ng programa na gawing masaya para sa mga bata ang pag-aaral ng road safety, waste management at public safety.

Naniniwala ang MMDA, na ang Sesame Street ang perpektong partner para sa kanilang proyekto dahil sa ito ang nangunguna sa pagtuturo sa mga bata sa masayang pamamaraan.

Ayon naman kay MMDA chairperson Danny Lim, excited siya sa nasabing inisyatibo ng MMDA na nakatutok sa mga kabataan.

Aniya, responsibilidad ng lahat na turuan ang ating mga kabataan ng paggalang at pagpapahalaga sa mga batas.

Dagdag pa ng opisyal, maraming aktibidad ang nakalinya para sa mga bata na tiyak na may mapupulot na aral. | ulat ni Lorenz Tanjoco