Pagkakaisa at koordinasyon ng mga sangay ng pamahalaan, NGOs, LGUs, AFP at PNP, pinapurihan ng Pangulo
April 24, 2019

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan, non-government organizations (NGOs), local government units (LGUs), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), na nagtutulong-tulong para sa agarang pagtugon sa mga nabiktima ng tumamang 6.1 magnitude na lindol sa Zambales noong Lunes.

Ayon sa Pangulo, ipinagpapasalamat niya ang umiiral na diwa ng pagkakaisa sa gitna ng naturang insidente.

Umaasa ang Pangulo na mananatili ang pagkakaisang ito dahil sa huli aniya ay nasa iisang bansa lamang tayo.

Samantala, una na ring sinabi ng Palasyo na nagpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at iba pang organisasyon, para sa kinakailangang pagtugon kaugnay naman sa naranasang lindol sa Eastern Samar kahapon. | ulat ni Racquel Bayan