Pagpapalit ng pangalan ng bansa sa ‘Maharlika’, ideya pa lamang – Malacanang
February 12, 2019

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, na bagamat nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siya sa suhestisyon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng Pilipinas, ideya pa lamang ito, at wala pang konkretong plano upang palitan ang pangalan ng bansa.

Paliwanag ni Panelo, gusto ng Pangulo ang pangalan na Maharlika dahil isa itong salitang Malay na naikakabit sa national identity ng bansa, kumpara sa pangalang Pilipinas na hango sa pangalan ni King Philip II mula sa bansang Espanya na nanakop noon sa bansa.

Ang ideyang ito aniya ay para sa pagkakakilanlan ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, ang estilo ng presidente, magsasabi ito ng ideya at hahayaan ang sino man sa kongreso na i-adapt ito.

Gayunpman, aminado ang Palasyo na hindi magiging madali ang prosesong kailangang pagdaanan sakaling isulong ang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan