Palasyo, nagpahatid ng pakikiramay sa mga naiwan ni Philippine Queen of Jazz Annie Brazil
March 07, 2019

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naiwang pamilya ng tinaguriang Grand Lady of Jazz at Philippine Queen of Jazz na si Annie Brazil.

Si Gng. Brazil ay ina ng kilala ring jazz singer na Richard Merk at mang-aawit ding si Rachel Anne Wolfe.

Sa mensaheng ipinadala ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagbigay-pugay ito sa talento ng mang-aawit na kinilala hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa.

2003 ng gawaran ng pagkilala ng Filipino-American Jazz Society si Brazil at isinama ito sa listahan ng Lifetime Achievement Awardees.

Sa kaparehong taon din nang bigyan ng award ang mang-aawit ng Asian American Jazz Festival sa New York, USA.

Dumating na ang final curtain call kay Justiniana Bulawin o Annie Brazil na isa sa maipagmamalaking talent mayroon ang mga Pilipino.

Si Brazil ay 85 taong gulang.  | ulat ni Alvin Baltazar