Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni Armida Siguion Reyna
February 12, 2019

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ng batikang singer at aktres, at dating chairperson ng Movie Television Review and Classifications Board (MTRCB) na si Armida Siguion-Reyna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, malaking kawalan sa larangan ng sining at pelikula ang pagpanaw ni Reyna, na isa aniyang matapang, maprinsipyo at magaling sa kanyang napiling larangan.

Ang dating MTRCB chief aniya, ang nagtanggol sa mga pagbabago ng pinilakang tabing, partikular ang artistic liberties at free expression.

Sinabi ng kalihim na nakikiisa ang Malacañang sa pagdarasal para sa ikapapanatag ng kaluluwa ni Reyna, na pumanaw sa edad na 88. | ulat ni Racquel Bayan