Palasyo: On top of the situation ang pamahalaan sa naranasang lindol sa Eastern Samar
April 23, 2019

Makakatiyak ang publiko na on top of the situation ang pamahalaan sa pagresponde sa pangangailanan saanman o kailanman. Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng panibagong lindol na naranasan naman sa Eastern Samar ngayong hapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, puspusan na ang ginagawang pagganap sa tungkulin ng concerned disaster agencies upang matiyak na tuloy – tuloy ang pagbibigay ng basic at health services ng pamahalaan.

Nananawagan naman ang Palasyo sa hanay ng mga local government executive na manatiling nakaantabay.

Ayon kay Panelo, isantabi muna ang politika dahil ito ang panahon upang pairalin ang diwa ng pagkakaisa, kooperasyon at pagiging makatao. | ulat ni Racquel Bayan