Pangulong Duterte, hindi hihingi ng suporta sa mga religous group para sa kanyang pambato
February 12, 2019

Walang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng suporta sa Simbahang Katolika o iba pang religious group para sa kanyang mga pambato sa pagka-senador sa darating na midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, hindi naging ugali o istilo ng Pangulo ang manghingi ng tulong sa religious sector kahit pa noong tumakbo itong mayor ng Davao at Pangulo ng bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na may mga religious leader ang nag-alok ng tulong sa Pangulo noong Presidential elections gaya na lamang ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at ng Iglesia ni Cristo.

Kaya naman aniya nag-alok ng tulong noon si Quiboloy ay dahil personal itong kaibigan ng Pangulo.   | ulat ni Racquel Bayan