Pangulong Duterte, hinimok ang mga ARBs na pagyamanin ang mga lupang pagkaloob sa kanila ng pamhalan
February 12, 2019

BULUAN, Maguindanao — Hinimok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na pagyamanin ang lupa na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

Sa talumpati nito sa loob ng Buluan Municipal Gymnasium, Lunes ng hapon, sinabi ng Pangulo na pangalagaan ang mga lupang agraryo na ibinigay sa kanila ng pamahalaan para kanila rin itong ipamamana sa kanilang susunod ng mga henerasyon.

Ayon sa Pangulo, hindi na dapat nila ito pakawalan pa dahil isa ring maituturing ito na kayamanan gaya ng mga alahas na habang tumatagal lalong nagmamahal.

Payo din nito sa mga benepisyaryong mga magsasaka na mas paigtingin ang pagtatanim dahil nararanasan na rin ang food-shortage hindi lang sa loob ng Pilipinas pati na rin sa ibang bansa, bunsod ng climate change.

Ayon sa Pangulo, nasa 65,000 ektrayang lupain na ang ipinamahagi ng pamahalaan kasama na rito ang 1,740. 3456 na ipinamigay sa probinsya ng Maguindanao.

Nanguna ang Pangulo sa pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award sa 780 benepisyaryong magsasaka sa naturang probinsya. | ulat ni Armando Fenequito/RP-Davao