Panukalang “student fare discount,” niratipikahan na ng Kongreso
February 11, 2019
Inaprubahan na ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral Conference Report on Harmonizing the Disagreeing Provisions of Senate Bill No. 1597 and House Bill 8885, o ang “Student Fare Discount Act.”

Kapag nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala, 20-porsyentong fare discount ang ipagkakaloob sa mga estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon gaya ng mga bus, jeepney, taxi, tricycle, transport network vehicle services or TNVS, MRT, LRT, at maging sa eroplano at barko.

Kabilang sa mga makikinabang nito ang mga estudyanteng Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo, at mga naka-enroll sa technical-vocational schools.

Habang hindi naman kasama ang mga naka-enroll sa dancing at driving schools, short-term courses na seminar type, at post-graduate studies.

Magkakaiba naman ang multa at parusa sa mga lalabag depende sa sasakyan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes