Patuloy na tagumpay ni Sen. Pacquiao sa boksing, dahil sa disiplina –  Sec. Andanar
January 21, 2019

Naniniwala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na “disiplina” ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatagumpay si People’s Champ Senador Manny Pacquiao sa larangan ng boksing.

Ayon kay Andanar, kung tutuusin ay bibihira na ang ganitong klase ng tagumpay para sa isang 40 anyos na indibidwal na nasa mundo ng boksing.

Pero dahil sa disiplina sinabi ni Andanar, na hindi naging mailap ang tagumpay sa fighting senator at napatunayan nito sa buong mundo na hindi hadlang ang labing isang taong gulang na agwat ng edad nito sa kanyang nakalaban na si Adrian Broner.

Sinabi pa ni Andanar, ito ang dapat ding makita ng mga kabataan at dapat sana ay tularan kay Senador Pacquiao upang magtagumpay sa buhay.

Dagdag ng PCOO Chief, na buong bansa ang nakikinabang sa karangalang laging iniuuwi ni Pacman at hindi aniya maitatangging dahil kay People’s Champ ay mas nakikilala ang Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar