Pilipinas, nananatiling may mataas na kaso ng child prostitution – DSWD
February 12, 2019

Hinikayat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga magulang, na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet, upang maprotektahan sa tinatawag na child pornography na posibleng masadlak sa child prostitution.

Sa unang anibersaryo ng Safer Internet Day for Children Philippines, sinabi ni Assistant Secretary Glenda Relova na batay sa records ng UNICEF, pang-10 ang Pilipinas sa mga bansa na may talamak na kaso ng child pornography.

Karamihan sa mga nabibiktima ay nasa edad na 13 hanggang 17.

Ayon sa DSWD, kabilang sa palatantadaan o red flag sa sexual abuse sa online, ay pasikreto na paggamit ng internet na malimit ay sobrang oras na nakababad ang bata sa internet.  Kapansin-pansin din ang pagiging tahimik at matatakutin sa awtoridad ang mga bata.  | ulat ni Rey Ferrer