PRRD: Narco-pols sa MM, CALABARZON at Visayas, hindi dapat makampante 
March 15, 2019

Hindi pa dapat magpakampante ang iba pang mga narco politician, lalo na ang mga taga Metro Manila, CALABARZON at Visayas.

Ito ay dahil may karugtong pa ang mga isiniwalat ng Pangulong Rodrigo Duterte, na pangalan ng mga politikong sangkot sa iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, hinihintay lamang niya ang ginagawang revalidation sa mga impormasyong hawak niya laban sa mga ito.

Ang nais kasi ng Pangulo ay makasiguro sa mga natatanggap na impormasyon.

At sa oras na makumpirma na ang mga ito, kahit sa mismong araw pa aniya ng eleksyon sa Mayo 13 ay ilalabas niya ang panibagong batch ng narco politicians. | ulat ni Racquel Bayan