SP Sotto: 2019 national budget, pirmado na ng Pangulo
April 15, 2019

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11260 o ang 2019 General Appropriations Act.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ang tumawag sa kanya upang ipaaalam ang pagpirma ng Pangulo.

Aniya, vineto ng Pangulo ang P95.3 billion na item sa panukalang pondo na tinukoy ng senado na illegal realignment ng kamara.

Pinahayag naman ni Sotto ang kagalakan sa naging desisyong ito ng Pangulo.

Giit ng senate president, maituturing itong isang tagumpay para sa senado.

Sinabi rin aniya ni Medialdea, na wala nang magaganap na ceremonial signing para sa 2019 national budget. | ulat ni Nimfa Asuncion