5.6% GDP growth para sa 2021, sumasalamin sa katatagan ng ekonomiya ng bansa
By Racquel Bayan - January 27, 2022 , 3:13 pm

Sinasalamin lamang ng 7.7 percent na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa huling quarter ng 2021 ang pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa.

Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ay sa kabila ng mga hamong dala ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad na tumama sa bansa, tulad ng bagyong Odette.

“The Palace views the growth of our economy—which grew 7.7% in the Fourth Quarter of 2021, bringing full year gross domestic product growth to 5.6%—as evidence of the strength and resilience of the Philippine economy, which continues to beat expectations despite the challenges brought about by the COVID-19 pandemic and natural calamities like Typhoon Odette.” —Secretary Nograles.

Ayon sa kalihim, magpapatuloy ang pamahalaan sa pagsusulong ng mga polisiya at reporma, habang binubuhay ng bansa ang isang mas matatag na ekonomiya, kung saan lahat ng mga Pilipino ay tatamasa ng ligtas at komportableng buhay.

“To realize this, we reiterate our call for the following: (1) the passage of amendments to the Public Service Act, which would open key sectors to foreign investments, subject to safeguards; (2) support for the proposed Livestock Development and Competitiveness Bill to improve the competitiveness of the livestock, poultry and dairy sectors; and (3) implementation of the Philippine Innovation Act to improve our people’s productivity.” —Secretary Nograles.

Pinapurihan naman ng Palasyo ang economic team ng gobyerno, na patuloy sa pagganap ng kanilang mandato sa kabila ng mga paghamong ito.

Pinasalamatan rin ng Palasyo ang publiko sa mga sakripisyo, at sa pagtitiwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We commend our Economic Team for deftly managing the economy through these turbulent times, and thank our people for their sacrifices, hard work, and faith in the leadership of President Rodrigo Roa Duterte during this challenging period.” —Secretary Nograles.

Sa kabuuan, umakyat sa 5.6% ang full year Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas para sa 2021.

YOU MIGHT ALSO LIKE