95% ng cabin crew at piloto ng Cebu Pacific, bakunado na vs COVID-19
By Hajji Kaamiño - August 31, 2021 , 12:25 pm

Kinumpirma ng Cebu Pacific na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang 95 percent ng mga piloto at cabin crew nito.

Ayon sa airline company, 93 percent ng lahat ng workforce ang nabakunahan na at target nilang tapusin ito sa Oktubre.

Ang COVID Protect program ay bahagi ng inisyatiba ng Gokongwei Group na bigyan ng libreng bakuna ang mga empleyado, dependents, at third-party workers sa lahat ng business units.

Nakikipag-ugnayan din ang Cebu Pacific sa local government units para mapabilis ang pagbabakuna sa mga manggagawa.

Isa sa lubhang naapektuhan ng pandemya ang aviation industry lalo’t maraming bansa at rehiyon ang nagsara ng kanilang borders para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Una nang nagkansela ng ilang domestic flights ang Cebu Pacific mula September 1 hanggang September 5 matapos palawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

YOU MIGHT ALSO LIKE
business
Growth target ng bansa, makakamit pa rin ngunit kailangan ng mas agresibong pagpapabakuna
October 15, 2021