Batas nang pagkakaroon ng Timbangan ng Bayan sa pampubliko at pribadong merkado, pirmado na ni PRRD
By Racquel Bayan - May 16, 2022 , 10:47 pm

Ganap nang batas ang pagkakaroon ng Timbangan ng Bayan sa mga merkado, pampubliko man o pribado.

Sa ilalim ng Republic Act no. 11706, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking maipapatupad ito sa lahat ng palengke sa kanilang hurisdiksyon.

Ang mga itatalagang timbangan ng bayan, ay libreng magagamit ng mga consumer na nais tiyakin na tama ang sukat o bigat ng produktong kanilang binili.

Inaatasan ng batas ang mga market supervisor na manguna sa pangangalaga at pagmi-mintina ng mga timbangan na ito.

Ang mga indibidwal na mapapatunayang mandaraya o mamanipulahin ang mga timbangan ay magmumulta ng hindi bababa sa P50,000, at hindi lalampas sa P300,000 o posibleng makulong ng isa hanggang limang taon.

Pirmado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas, ika-13 ng Abril, 2022.

YOU MIGHT ALSO LIKE