Bilang ng repatriated OFWs, umabot na sa mahigit 82,000
By Hajji Kaamiño - July 11, 2020 , 12:15 pm

Nadagdagan pa ng mahigit 1,600 ang distressed overseas Filipino workers na napauwi ng gobyerno dahil sa krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa 82,825 ang kabuuang bilang ng repatriated OFWs.

Kasama na rito ang mahigit 600 Pinoy na dumating kahapon mula sa Riyadh, Saudi Arabia lulan ng Philippine Airlines chartered flight at Saudia Airlines.

Batay sa tala ng ahensya, lumampas na sa 8,800 ang OFWs na tinamaan ng COVID-19 abroad.

Halos 3,000 sa mga ito ang kasalukuyang ginagamot habang 5,265 ang gumaling na o katumbas ng halos 60 percent ng kabuuang kaso.

Labing-isang bagong kaso ang naitala ng DFA sa Americas, Asia and the Pacific. at Europa.

YOU MIGHT ALSO LIKE