!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Certified rice seeds, handa nang ipamahagi
By Tess Ramirez - September 20, 2019 , 9:39 am

Nakahanda nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ngayong taon ang certified rice seeds sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.

Nasa dalawang milyong sako ang ibibigay sa mga magsasaka, na naglalaman ng dalawampung kilo bawat bag.

Sinabi ni DA Secretary William Dar, na ang mga benepisyaryo nito ay mula sa mahigit limampung probinsya na natukoy na malaki ang produksyon at nasa registry system for basic sectors in agriculture.

Isasailalim sa orientation ang naturang farmer beneficiaries para sa wastong pangangalaga o seed preparation at iba pang maaaring magamit na teknolohiya mula sa Philippine Rice Research Institute.

Humingi rin ng tulong ang DA sa mga lokal na pamahalaan sa pag-verify ng mga nasa listahan at pagpapabilis ng proseso ng distribusyon.

Sa oras na maitanim ang binhi ng palay, inaasahang makapagdaragdag ito ng aning hanggang anim na tonelada kada ektarya sa bawat probinsya sa taong 2024.

YOU MIGHT ALSO LIKE