!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
City Tourism Office, sinabing apektado ang turismo sa Davao City, bunsod ng paglindol 
By Dang Sabdani-Jumala - November 14, 2019 , 4:54 pm

Umabot na sa isang libong hotel room nights ang nawala at ilang mga convention ang inilipat sa ibang lugar matapos ang Undas, dahil sa mga pagyanig na nararanasan sa lungsod ng Davao, batay sa report ng mga hotel.

Ayon kay Regina Tecson, officer in-charge ng City Tourism Operations Office o CTOO, normal na aniya na kapag may mga di magandang pangyayari sa lugar, magsisilipat ang mga turista sa ibang lugar.

Sa kabila nito, hindi aniya nagpatinag ang lungsod, at sa halip, nagpatupad ito ng mga pamamaraan upang maengganyo ang mga turista na bumisita sa siyudad.

Sinabi ni Tecson, kabilang sa mga intervention na ginawa ng tourism industry ay ang pagpapalakas ng incentives program ng lungsod, kung saan, target nito ang mga malalaking international conventions at meetings, at ang paghahanda ng lungsod sa MICE conventions sa susunod na taon.

Davao City Tourism Office

City Tourism Office, sinabing apektado ang turismo sa Davao City bunsod ng paglindol at aftershocks. | via Dang Sabdani-Jumala|RP1 Davaowww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, 14 November 2019

Hindi na rin aniya nakakatutok ang lungsod sa pagbawi sa mga nawalang turista, dahil hindi na ito maibabalik pa dahil nangyari na ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE