!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DA, may pagtutuwid sa bilang ng namamatay na baboy sa bansa dahil sa ASF
By Tess Ramirez - September 20, 2019 , 12:04 am

Mariing tinututulan ng Agriculture Department ang napapaulat na majority ng African Swine Fever (ASF) deaths sa buong mundo ay nangyayari sa Pilipinas.

Sa inilabas na DA-Swine bulletin advisory, nilinaw na tatlo lamang sa bawat 1,000 mga baboy sa buong mundo na sanhi ng ASF ang namamatay, o 0.0029 percent lamang, kumpara sa ASF global deaths na mahigit sa dalawang milyon, mula nang ito ay matuklasan sa Kenya noong 1921.  Habang 7,416 naman ang sa Pilipinas, as of August 2019.

Kung susumahin pa, anim lamang sa bawat 10,000 ang bilang ng baboy na namamatay dahil sa naturang sakit, sa kabuuang mahigit labindalawang milyon na kanilang populasyon sa bansa.

Dagdag pa ng DA, iresponsible, malisyoso at nakapanglilito ang nabalitang karamihan ng mga may ASF na baboy na namamatay sa buong mundo ay sa Pilipinas nagmula.

YOU MIGHT ALSO LIKE