DA, naglaan ng ₱150-M para makontrol ang pamemeste ng ‘fall armyworm’ sa mga pananim na mais
By Rey Ferrer - July 12, 2020 , 12:11 pm

May 8,000 ektarya na ng mga pananim na mais sa buong bansa ang apektado ng pamemeste ng ‘fall armyworm’.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naglaan na ng ₱150-million ang Department of Agriculture para tulungan ang mga magsasaka para makontrol ang pinsala sa mga pananim.

Nag-deploy na rin ng mga crop experts ang ahensya at bumili ng crop protection chemicals at biocontrol agents na epektibong panlaban sa peste.

Unang iniulat ang ‘fall armyworm’ noong June 19 sa Piat, Cagayan at kumalat na ito hanggang sa Mindanao.

Ayon sa DA, as of June 30, nasa 4,214 ektarya ng maisan sa Cagayan Valley ang na-damaged na, sinundan ng SOCCSKSARGEN na may 1,730 ektarya; Northern Mindanao na may 882 ektaraya, at Zamboanga Peninsula na may 665 ektarya.

Sa ngayon , may 208 munisipalidad at 47 lalawigan ang apektado na ng ‘fall armyworm’.

YOU MIGHT ALSO LIKE