!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Dagdag na city bus units, kailangan sa kahabaan ng Commonwealth ave – ayon sa QC Task Force on Transport and Traffic Management
By Rey Ferrer - August 15, 2019 , 8:24 am

Imumungkahi ng Quezon City Task Force on Transport and Traffic Management (QCTFTTM) kay Mayor Joy Belmonte na kailangang maglagay ng dagdag na city buses sa Commonwealth Avenue.

Ayon kay QCTFTTM Chief Atty Ariel Inton, malaki ang maitutulong nito sa mga pasahero na hirap makasakay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue lalo na pag rush hour.

Paliwanag nito, puno na ang mga bus na dumadaan sa ruta mula sa San Jose del Monte City sa Bulacan, Fairview bago pa makarating ng Doña Carmen, Litex, Sandigan area sa Commonwealth.

Sa mga nabanggit na lugar dapat magsimula ang mga city buses para may mga masasakyan na kaagad ang mga naghihintay na pasahero.

Maaaring kaya na ng 10 hanggang 15 bus ang magsisilbi sa mga pasahero.

Paglilinaw pa ni Atty. Inton tuwing rush hour lang naman sa umaga gagawin ito.

Ganito din ang nakikitang solusyon sa iba pang bahagi ng lungsod na nagsisikip ang mga pasahero sa lansangan.

Umaasa ang Task Force chief na makikita din ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at bigyan ng special permit ang mga bus company hanggang maging permanenteng ruta na.

YOU MIGHT ALSO LIKE