!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Daily maintenance closure sa runway ng NAIA, muling sinuspinde
By Hajji Kaamiño - January 15, 2020 , 2:24 pm

Muling sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA).ang daily maintenance schedule nito upang bigyang-daan ang pagpapalipad sa mga eroplanong naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Kahapon ay naitala sa 360 flights ang umalis at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals simula nang ibalik ang operasyon.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, tinanggap nila ang recovery flights mula alas-10:00 ng gabi nitong Lunes hanggang alas-4:00 ng madaling araw kahapon.

Mananatili aniya ang daily maintenance closure hanggang sa mabawi ng airline companies ang mga naantalang biyahe.

Umapela rin si Monreal sa mga pasahero ng apektadong flights na laging i-check sa airlines o travel agents ang status ng biyahe bago magtungo sa NAIA.

Mababatid na tuwing 1:30 hanggang 3:30 ng madaling araw ay isinasailalim sa ‘derubberizing’ at ‘degreasing’ ang Runway 06-24 ng NAIA.

YOU MIGHT ALSO LIKE