Dep’t of Tourism, nagpaabot ng pagbati sa Mactan-Cebu Int’l Airport matapos magwagi sa World Architecture Festival
By Hajji KaamiƱo - December 6, 2019 , 5:51 pm

Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang grupong nasa likod ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) Terminal 2 na nagwagi sa idinaos na 2019 World Architecture Festival.

Sa isang statement, nagpaabot ng pagbati ang DOT sa paliparan matapos iuwi ang top prize sa Completed Buildings-Transport Category.

Ang bubong ng terminal 2 ay sumisimbolo anila sa karagatan habang ang interior design nito ay kumakatawan sa parte ng isang bangka.

Makikita rin sa liwanag at malawak na espasyo ng paliparan ang kultura ng hospitality ng mga Pilipino.

Paliwanag pa ng DOT, mahalagang gateway ng Pilipinas ang MCIA na pangalawa sa pinakaabalang paliparan.

Naungusan ng MCIA sa award ang Jewel Changi Airport sa Singapore at Istanbul Airport sa Turkey.

Ang MCIA ay idinisenyo ng Hong Kong-based architectural firm na Integrated Design Associates na sinuportahan ng Budji+Royal at Kenneth Cobonpue.

YOU MIGHT ALSO LIKE