!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DTI, inaasahang lalago ang exports sa 2-4 percent ngayong taon
By Hajji Kaamiño - December 9, 2019 , 10:53 am

Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na lalago ang exports ng bansa lalo na sa services sector ng dalawa hanggang apat na porsiyento ngayong taon o katumbas ng kabuuang 99 billion US Dollars.

Photo courtesy of DTI PH FB account

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nasa 0 to 1 percent ang nakikitang paglago sa exported goods, bukod pa sa single-digit growth ng services.

Nakaapekto kasi aniya sa supply chain activities ang nagpapatuloy na trade war sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Paliwanag ni Lopez, bagama’t tumataas ang exports ng Pilipinas sa China at US, apektado naman ang kalakakan sa iba pang mga bansa.

Kabilang sa services sector na nakatulong sa paglago ay ang information technology at business process management, pati na creative industries gaya ng graphic design, game development at software development.

Gayunman, umaasa pa rin ang kalihim na lalago sa 4 to 6 percent ang growth rate sa susunod na taon, habang makakabawi naman ang electronics sector basta’t maresolba lang ang trade war.

Sa ngayon, tiniyak ng kalihim na abot-kamay pa rin ang 122-billion dollar goal sa taong 2022.

YOU MIGHT ALSO LIKE