Economic agenda ni Marcos, makapapawi sa agam agam ng investors —NEDA
By Merry Ann Bastasa - May 13, 2022 , 12:20 pm

Naniniwala si Socioeconomic Planning Sec. Karl Chua na hinihintay lang ng mga investors ang economic agenda ni presumptive Pres. Bongbong Marcos.

Ayon sa kalihim, normal ang pagiging concern ng mga investors ngayong magkakaroon ng pagbabago sa liderato sa bansa.

Mapapawi pa rin naman aniya ito basta’t makakapaglatag na agad ng economic plan ang susunod na administrasyon. 

Nauna nang iminungkahi ng National Economic and Development Authority na panatilihin ng susunod na administrasyon ang matatag na macro-fiscal foundation ng Pilipinas at ipagpatuloy ang mga reporma at polisiyang naipatupad ng Duterte Administration.

YOU MIGHT ALSO LIKE