Fuel subsidy para sa PUJ, available na sa mga piling gasoline stations — LTFRB
By Rey Ferrer - November 25, 2021 , 1:39 pm

Maaari nang makapagkarga ng krudo sa mga piling gasoline station ang 78,000 Public Utility Jeepney(PUJ) operators sa ilalim ng Pantawid Pasada Fuel program.

Sa ulat ng Land Bank of the Philippines, nailipat na sa PPP ATM cards ng mga operator ang pondo na abot sa ₱7,200 para ngayong taon.

Sa tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mahigit 136,000 PUJ operators sa buong bansa ang kwalipikadong benepisyaryo ng programa.

Kahapon opisyal nang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang “one-time” fuel subsidy para makatulong sa PUJ drivers at operators na lubhang naapektuhan ng pandemya at pagtaas ng presyo ng langis.

YOU MIGHT ALSO LIKE