Ilang ‘retrenched’ tourism workers, unti-unti nang nakakabalik sa trabaho — Philippine Tourism Congress
By Kathleen Jean Forbes - November 19, 2021 , 3:37 pm

Positibo ang epekto sa industriya ng turismo ng pagbaba sa Alert Level 2 ng karamihan sa mga lugar sa bansa.

Sa update ni Tourism Congress of the Philippines President Jojo Clemente sa mga kongresista, sinabi nito na dahil sa pagbaba sa Alert Level 2 ng ilang lugar sa bansa ay nagbubukas na rin muli ang turismo.

Bunsod naman nito ang mga dating tourism workers na na-retrench o naalis sa trabaho, ay nagsisibalikan na rin.

Inihalimbawa nito ang Boracay at Bohol kung saan sa pagtanggap muli ng mga local tourist ay kinukuha muli ng mga establishimento ang na-lay off nilang mga empleyado dahil sa limitadong operasyon noon.

Umaasa naman ang TCP na sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa ay mabubuksan na rin ang turismo para sa foreign tourists.

YOU MIGHT ALSO LIKE