Israel, handang magkaloob ng $100-M loan facility para sa modernisasyon ng agrikultura sa Pilipinas
By Tess Ramirez - August 15, 2019 , 6:30 am

Nagpahayag na ng kahandaan ang bansang Israel sa pagkakaloob ng P100 million-dollar loan facility para sa modernisasyon ng agrikultura sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Israel-based company group na Mima Tech na handang magpahiram ng pondo para sa pagpapatayo ng agri-products processing facility sa buong bansa, inaasahang 

mapapadali ang pagbebenta ng produkto ng mga magsasaka sakaling maisapormal ang iminumungkahing paglalaan ng loan facility sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City, sinabi ni James Amparo, pangulo ng Yovel East Research and Development Inc. na layon nitong makatulong sa programang pang-agrikultural ng bansa, na resulta rin ng pinasok na mga kasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Israel nung nakaraang taon.

Handang makipag-usap ang local partners na Yovel East gayundin ang Gilan Global Ventures Corp. sa bagong talagang si Agriculture Secretary William Dar upang maisakatuparan ang nasabing programa.

Sinabi pa niyang malaking tulong ito sa mga magsasaka at mangingisda na nahihirapang magbenta ng kanilang produkto.

Napakababa pa aniya ng tubo sa pautang na ito para sa farmers and fishers organization, at may magiging partisipasyon din ang Landbank, ilang government institution at mga lokal na pamahalaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE