Kamara, posibleng tapusin na ang pag-dinig sa prangkisa ng ABS-CBN sa susunod na Linggo
By Kathleen Forbes - July 4, 2020 , 7:11 am

Posibleng sa darating na Lunes, July 6, ay tapusin na ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability ang pagdinig nito hinggil sa ABS-CBN franchise.

Ayon kay Legislative Franchises Chairman at Palawan Rep. Franz Alvarez, kung matatapos na ang lahat ng mga kongresista sa pagtatanong ay malaki ang tsansang sa Lunes na ang huling araw ng pagdinig.

Magkagayunman ay hindi pa sigurado ni Alvarez kung kailan ang botohan para sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN dahil kailangan na tapusin muna ang mga hearings.

Sa kabuuan ay umabot na sa labing isang pag-dinig ang isinagawa ng komite hinggil dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE